Huwag Sumuko Sa Pagsunod sa Kautusan ni Kristo

Pansirkitong Asamblea na “Huwag Sumuko” Idaraos

Added by admin

Categories: Religious Assemblies & Conventions

Contact Event Organizer

Contact the Event Organizer

To inquire about this event, complete the form below to send a message to the event organizer.


__________________________________________
Ang mga Saksi ni Jehova ng Manila circuit 8 ay magdaraos ng Pansirkitong Asamblea na may temang “Huwag Sumuko sa Pagsunod sa Kautusan ng Kristo.” Makakapakinig ang sinumang dadalo ng mga salig-Bibliyang pahayag na sumasagot sa mga tanong tulad ng: Ano ang Kautusan ng Kristo? Paano Masusunod ng mga Mag-asawa at Magulang ang Kautusan ng Kristo sa Kanilang Pamilya? Paano Natin Maiibig ang Iba, Kung Paanong Inibig Tayo ni Jesus?

 

Ang tampok na pahayag na "Ibigin ang Isa't-isa, Kung Paanong Inibig Kayo ni Jesus" ay bibigkasin ni Ginoong Denton Hopkinson, Ministrong Kinatawan ng Tanggapang Pangsangay ng mga Saksi ni Jehova dito sa Pilipinas. Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa walang bayad na Asemblea sa Abril 14, 2018, Sabado, sa ganap na alas-9 ng umaga hanggang alas-3:30 ng hapon, na gaganapin sa Metro Manila Assembly Hall of Jehovah's Witnesses, 1140 Quirino Highway corner Commonwealth Ave., Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City.

_____QUESTIONS & COMMENTS_____

Leave a Comment

Leave a Reply

© 2019 Financial Directory PH. All Rights Reserved. Since 2014
Skip to toolbar